damnlyrics.com

Minsan

Minsan sa may Kalayaan tayo'y nagkatagpuan

May mga sariling gimik at kaya-kanyang hangad sa buhay

Sa ilalim ng iisang bubong, mga sekretong ibinubulong

Kahit na anong mangyari, kahit na saan ka man patungoNgunit ngayon kay bilis maglaho ng kahapon

Sana'y huwag kalimutan ang ating mga pinagsamahan

At kung sakaling gipitin ay laging iisipin

Na minsan tayo ay naging tunay na magkaibiganMinsan ay parang wala nang bukas sa buhay natin

Inuman sa magdamag na para bang tayo'y mauubusan

Sa ilalim ng bilog na buwan, mga tiyan nati'y walang laman

Ngunit kahit na walang pera, ang bawat gabi'y anong sayaNgunit ngayon kay bilis maglaho ng kahapon

Sana'y huwag kalimutan ang ating mga pinagsamahan

At kung sakaling gipitin ay laging iisipin

Na minsan tayo ay naging tunay na magkaibiganMinsan ay hindi ko na alam ang nangyayari

Kahit na anong gawin

Lahat ng bagay ay merong hangganan

Dahil ngayon tayo ay nilimot ng kahapon

'Di na mapipilitang buhayin ang ating pinagsamahan

Ngunit kung sakaling mapadaan baka

Ikaw ay aking tawagan

Dahil minsan tayo ay naging tunay na magkaibigan

Enjoy the lyrics !!!