damnlyrics.com

Naaalala

Pag nakikita ko ang mga ulap

Naaalala kita

Kapag may bulaklak sa mesa

Naaalala kita

Kapag umuulan at ako'y nanlalamig

Pagsapit ng gabi sa awit ng kuliglig

Pag pumito na naman ang guwardya

Naalala kitaPagkat ikaw ang parati kong naaalala

At sa oras-oras kong hiling na makasama

Pag gising, pag antok, pag nananaginip

Di ako magsasawa sa'yo

Ang pag-ibig mo ang tibok ng puso koPag ham na naman ang ulam

Naaalala kita

Kahit sa pagsakay at baba ng jeep

Naaalala kita

Kapag bagong allowance o wala nang pamasahe

Maghahanap ng trip sa panonood ng sine

Kapag ang palabas ay drama

Naaalala kitaPagkat ikaw ang parati kong naaalala

At sa oras-oras kong hiling na makasama

Pag gising, pag antok, pag nananaginip

Di ako magsasawa sa'yo

Ang pag-ibig mo ang tibok ng puso koPag nababasa ko ang mga sulat mo

Minsan ay napapaluha ako

Pag-ibig sa bawat bersikulo

Di mauubusan ng ala-ala sayo

Kapag tumatagal ka kapag wala ng masabe

Kahit di ko alam kung ano ang mangyayare

Nandito ako at andyan ka

Naaalala kitaPagkat ikaw ang parati kong naaalala

At sa oras-oras kong hiling na makasama

Pag gising, pag antok, pag nananaginip

Di ako magsasawa sa'yo

Ang pag-ibig mo ang tibok ng puso ko

Enjoy the lyrics !!!