damnlyrics.com

Nang Dahil Sa Iyo

Nang dahil sa iyo ako ay nabubuhay

Dahil sa’yong mapagpalang mga kamay

Ang buhay kong ito’y banal mong pinanday

Hinubog ng kabiguan at tagumpay

Buong husay, iginuhit ng kapangyarihan mo

Ang pag-ibig na nadarama ng puso ko

Nang dahil sa iyo pag-asa ko’y tunay

Pangako ng iyong salita’y kay dalisay

Ang kaligtasan ko’y biyayang matibay

Pagkat batong panulukan ang sandigan

Siyang tunay, iginuhit ng kapangyarihan mo

Ang pag-ibig na nadarama ng puso ko

Dahil sa’yo Hesus ako’y may kinabukasan

Sa’yong pagkamatay ako’y mayroong buhay

O kay dakila mo

Napakabuti mo

Twing ika’y kailangan

Twing ika’y tatawagan

Ang biyaya’t katapatan

Laging inaalay

Ang buhay kong ito’y banal mong pinanday

Hinubog ng mga dakila mong aral

Buong husay, iginuhit ng kapangyarihan mo

Ang pag-ibig na nadarama ng puso ko

Dahil sa’yo Hesus ako’y may kinabukasan

Sa’yong pagkamatay ako’y mayroong buhay

O kay dakila mo

Napakabuti mo

Twing ika’y kailangan

Twing ika’y tatawagan

Ang biyaya’t katapatan

Laging inaalay

O kay dakila mo

Napakabuti mo

Twing ika’y kailangan

Lagi kang maasahan

Dahil ang pag-ibig mo ay tunay

Lyrics Submitted by Dani Santelices

Enjoy the lyrics !!!