damnlyrics.com

Ngayon Hanggang Wakas

Ang pag-ibig kahit di mo hanapin pa

Ay kusang dumarating kung para sa isa't-isa

Dati-rati ang puso ay nag-iisa

Ngayon ay kapiling ka at 'di na magwawalay pa.

Nang akala na 'di na darating ang isang katulad mo

Ngayo'y kapiling ka at laging narito

Ikaw ang bawat kong pangarap na sadyang walang katulad

Isang pag-ibig na kailan man ay hindi magwawakas

Habangbuhay ka na iibigin ng buong tapat

Sa akin ay ikaw ngayon hanggang wakas.

Ipapangako na hindi ka mag-iisa

Palaging kasama mo ganyan ako sa 'yo sinta

Hindi ko kaya sa akin ay mawalay ka

At sana bawat saglit palagi ay kapiling ka.

Nang akala na 'di na darating ang isang katulad mo

Ngayo'y kapiling ka at laging narito.

Ikaw ang bawat kong pangarap na sadyang walang katulad

Iisang pag-ibig na kailan man ay hindi magwawakas

Habangbuhay ka na iibigin nang buong tapat

Sa akin ay ikaw ngayon hanggang wakas.

Ang puso't kaluluwa ay para lang sa'yo

Palagi ay ikaw ang iibigin ko.

Ikaw ang bawat kong pangarap na sadyang walang katulad

Isang pag-ibig na kailan man ay hindi magwawakas

Habangbuhay ka na iibigin nang buong tapat

Sa akin ay ikaw ngayon hanggang wakas

Sa akin ay ikaw ngayon hanggang wakas.

Lyrics Submitted by Marc Mendoza

Enjoy the lyrics !!!