damnlyrics.com

Ngayon

Ngayon ang simula ng hiram mong buhay

Ngayon ang daigdig mo'y bata at makulay

Ngayon gugulin mo nang tam'at mahusay,

Bawat saglit at sandali

Magsikap ka't magpunyagi

Maging aral bawat maliNgayon bago it ay maging kahapon(kahapon)

Ang pagkakataon sana'y huwag itapon(ooh)

Ikaw, tulad ko rin ay may dapithapon,

Baka ika'y mapalingon

Sa nagdaang bawat ngayon

Nasayang lang na panahonIturing mong kahapo'y waring panaginip lang

Ang bukas, pangitain n'yang ganda'y sa isip lang,

Kung bawat ngayon mo sa 'yo ay (laging) sulit lang

Kayganda ng buhay ngayonSa buhay mong hiram(sa buhay mo)

Mahigpit man ang kapit(kapit)

May bukas na sa yo'y di na rin sasapit(ooh)

Ngunit kung bawat ngayo'y dakila mong nagamit

Masasabi mong kahit na

Ang bukas, di sumapit pa

Ang naabot mo'y langit naIturing mong kahapo'y waring panaginip lang

Ang bukas, pangitain n'yang ganda'y sa isip lang,

Kung bawat ngayon mo sa 'yo ay (laging) sulit lang

Kayganda ng buhay

Bukas mo'y matibay

Dahil ang sandiga'y ngayon (ahh)Ituring mong kahapo'y waring panaginip lang

Ang bukas, pangitain n'yang ganda'y sa isip lang,

Kung bawat ngayon mo sa 'yo ay (laging) sulit lang

Kayganda ng buhay

Bukas mo'y matibay

Dahil ang sandiga'y ngayon (ahh)

Enjoy the lyrics !!!