damnlyrics.com

Oyayi

Kay lamig na ng gabi sa ilang

Habang ang bituin ay nag-aabang

Giliw ko sa 'king sinapupunan

Kay lapit Mo nang isilang

Aming pakikipagsapalaran

Upang makahanap ng tahanan

Abot-abot ang kaba sa dibdib

Kay lapit Mo sa panganib

Oh, giliw kong Anak

Tupad na pangarap ko

Pagsilay Mo sa ating mundo

Maging tahanan ng mahirap

At puso Mo'y tanggulan ng aba

Sa kapaguran ng 'Yong amain

Ang disyertong pilit niyang bagtasin

Animo'y walang patid ang lawak

Buhay nati'y kanyang hawak (buhay nati'y kanyang hawak)

Oh, giliw kong Anak

Tupad na pangarap ko

Pagsilay Mo sa ating mundo

Maging tahanan ng mahirap

At puso Mo'y tanggulan ng aba

Liwanag ng unang pasko

Hesus, bituin ng mundo

Oh, giliw kong Anak

Tupad na pangarap ko

Pagsilay Mo sa ating mundo

Maging tahanan ng mahirap

At puso Mo'y tanggulan ng aba

Kay lamig na ng gabi sa ilang

Habang ang bituin ay nag-aabang

Giliw ko sa 'king sinapupunan

Kaunting tiis na lang

Tahanan nati'y daratnan

Lyrics Submitted by Argel Saret

Enjoy the lyrics !!!