damnlyrics.com

Pagbigyang Muli (From "Maria La Del Barrio")

Muli ay 'yong pagbigyan

ako'y nagkamali

Muli ay 'yong patawarin

ako'y nagsisisiAlam kong ako'y nangakong di na mauulit pa

ako'y nagkamali sa'yo

muli ay patawarin moAko ba'y 'yong yayakapin?

nakaraa'y kayang limutin?

Magtiwalang muli

mahalin mong muli

magbalik ka sa'kin

'Di ko kakayanin kung ika'y mawawala sa aking piling

'Di ko kakayanin pag nalaman kong wala nang pag-ibig sa akin

'Di kayang mag-isa, gustong kasama kita

Sa'yo lang ang pag-ibig koMagtiwalang muli, ito na ang huling pagkakamali

Pag-ibig ko'y muling tanggapin

Muli ay 'yong pagbigyanpag-ibig natin

sabihin mo sa akin

ang 'yong gusto'y susundin

Magtiwalang 'di sinasadyang maging di' tapat sa'yo

Doo'y nakalimot nga ako, nangyari'y 'di ko ginusto...

Ako pa ba'y kayang yakapin?

Ang init ng halik sa akin, kaya bang ibalik?

Dama ang bawat saglit ng sakit ngayong wala ka na...

Di ko kakayanin kung ika'y mawawala sa aking piling

'Di ko kakayanin pag nalaman kong wala nang pag-ibig sa akin

'Di kayang mag-isa, gustong kasama kita

Sa'yo lang ang pag-ibig ko

Magtiwalang muli, ito na ang huling pagkakamali

Pag-ibig ko'y muling tanggapin

Muli ay 'yong pagbigyan

Muling tanggapin Muling mahalin

'Di kakayaning ika'y mawala sa aking piling

Muling mahalin

Ika'y magbalik, magtiwalang muli

Muling ibalik ang pag-ibig na dati'y sa atin...

Pagkat...

Di ko kakayanin kung ika'y mawawala sa aking piling

'Di ko kakayanin pag nalaman kong wala nang pag-ibig sa akin

'Di kayang mag-isa, gustong kasama kita

Sa'yo lang ang pag-ibig ko

Magtiwalang muli, ito na ang huling pagkakamali

Pag-ibig ko'y muling tanggapin

Muling tanggapin...

Muling tanggapin...

Song Discussions is protected by U.S. Patent 9401941. Other patents pending.

Enjoy the lyrics !!!