damnlyrics.com

Prinsesa

rap 1

Nang ako ay mainlove muli grabe talaga

ang puso ko'y na bighani sa isang dalaga

na puno ng katangian at mala porsilana

ang kulay ng balat halos daig ny'a si rosana

Maangas kung pumorma at astig magsalita

kung para sa mahinhin sy'a ay medyo saliwa

ang kanyang mga datingan parang si aiza seguerra

pag mali ang biro mo ay handang makipag gera

Pero mabait sy'a at mahusay makisama

lalo na kapag babae na ang kanyan kasama

sy'ang mag sisilbing superman para sa lahat

pag ikaw ay ng bastos makakatikim ka ng sapak

Kaya bilib ako sayo daig mo pa nanay ko

sa katapangan at sa taray tiklop ang tatay ko

kaya ganon na rin ako para maging ka close mo

dahil mula ngayon ikaw na ang boss ko.

chorus:

Ako'y nabighani mo sa taglay na ganda mo

ang puso ko'y na paamo mo at na pa inlove mo ako ng husto

Ok talaga kakaiba ang na dadarama at parang pelikula

na inlove ako sa isang diwata.

rap 2

Kaya humanap ng tyempo para ako ay makabigay

hindi ako pa barabara na susugod lang bigla

gusto ko preparado at kumpleto ang aparato

may rosas at chocolate bago pa ako mamarako

Kaya ang ginawa ko nag patulong sa kaibigan ny'a

para sa ganon labis akong maibigan ny'a

at ako ay nag pagupit grabe pabango

naka black shoes pa naka polo pa ako

Kaya ako tinignan ny'a mula ulo hanggang paa

hind pa sy'a ngumingisi naka ngiti na ang mata

at nakakapagtaka bigla sy'ang pumalakpak

at yung kasamang kaibigan ny'a ay humahalakhak

Kaya laking gulat nila nung ako ay mag tapat

ikaw ang dahilan ng lahat kung bakit ako na sayong harap

pero hindi ka nag salita hanggang sa huli

at isa lang iniwan mo HINDI TAYO TALO PRE

Chorus 2

Ako'y nabighani mo sa taglay na ganda mo

ang puso ko'y na paamo mo at na pa inlove mo ako ng husto

Ok talaga kakaiba ang na dadarama at parang pelikula

na inlove ako sa isang diwata

rap 3

Kaya pala kung kumilos ay parang lalaki

at ang gusto mga kasama ay mga tropa mong babae

at grabe kung mambola daig pa ang bulero

ang lupet ng diskarte daig mo pa ang babaero

Pero hindi ko halata dahil sobrang ganda mo

lalo na kapag suot mo na ang ternong palda mo

ako ay napaakit at napapailing

sa mala morenang itsura kaya ako ay huhumali

Pero bakit ikaw pa love na love na nga kita

kalako ikaw na nga sa buhay ang makakasama

ngunit kapag katabi ka laging walang kibo

pero kapag nakasama ay nakikikibo

chorus 3

Ako'y nabighani mo sa taglay na ganda mo

ang puso ko'y na paamo mo at na pa inlove mo ako ng husto

Ok talaga kakaiba ang na dadarama at parang pelikula

na inlove ako sa isang diwata

Mag hihintay ako kahit ilang taon

hindi man ngayon may tamang panahon

at parang pelikula

na inlove ako sa isang diwata

Enjoy the lyrics !!!