damnlyrics.com

Prinsesa

Nakaupo s’ya sa isang madilim na sulok

Ewan ko ba kung bakit sa libu-libong babaeng nandoon

Wala pang isang minuto, nahulog na ang loob ko sa ‘yo

Gusto ko sanang marinig ang tinig mo

Umasa na rin na sana’y mahawakan ko ang palad mo

Gusto ko sanang lumapit kung ‘di lang sa lalaking kayakap mo

CHORUS

Dalhin mo ako sa iyong palasyo

Maglakad tayo sa hardin ng ‘yong kaharian

Wala man akong pag-aari

Pangako kong habang-buhay kitang pagsisilbihan

O aking prinsesa

Prinsesa, prinsesa, prinsesa

INTERLUDE

‘Di ako makatulog, naisip ko ang ningning ng ‘yong mata

Nasa isip kita buong umaga, buong magdamag

Sana’y parati kang tanaw, o ang sakit isipin ito’y isang panaginip, panaginip lang

[Repeat CHORUS]

AD LIB

[Repeat CHORUS]

Prinsesa, prinsesa

Prinsesa

Prinsesa

Prinsesa

[Fading]

---

Lyrics submitted by yves manibo.

Enjoy the lyrics !!!