damnlyrics.com

S2PidLuv

Nang ma-in love ako sa 'yo kala ko'y pag-ibig mo ay tunay

Pero hindi nagtagal lumabas din ang tunay na kulay

Ang 'yong kilay mapagmataas at laging namimintas

Pero sarili kong pera ang iyong winawaldas

Para kang sphinx, ugali mo'y napaka-sting

Kung hiyain mo 'ko talagang nakaka-shrink

Girlie biddy bye bye, don't tell a lie

Bakit mo ako laging dini-deny

All the goods I've done, wala man lang recognition

Mahilig kang manguleksyon, binalewala aking attention

'Yo, anyway, everyday iba't ibang guys ang 'yong ka-text

And then one time nahuli kita na mayroon kang sex

Mas gugustuhin ko pa na magpa-crucify

Kaysa harap-harapan mo akong stupify

So don't be mad, so don't be sad

Lahat ng kabulukan mo'y ilalahad

CHORUS

(Stupid) Love, soft as an easy chair

(Stupid) Love, fresh as the morning air

(Stupid) Love, love that is shared by two

(Stupid love) I have found in youBuhay ko ay nag-iba simula nang makilala ka

Every hour, every minute, nais kang makita

Halos 'di kumain makausap lang sa phone

Between you and me until the break of dawn

No one else come close, pangako sa isa't isa

Ngunit napatunayan mo ba nang balikan ka n'ya

Pinagtapat sa akin na siya'y mahal pa rin

Anong magagawa ko kundi ikaw ay palayain

Halos isumpa sa sakit na naidulot

Pero bakit ang katulad mo 'di pa rin malimot

Nagmahal ako ng iba ngunit ako'y bigo

Sa pag-ibig ko sa 'yo ako'y bilanggo

Tumingin sa salamin, naalala ang nakalipas

Masakit palang maging (what) panakip-butas

Pero bago ang lahat ipagtatapat, sinta

Mahal kita, sincerely yours, Bendeatha

[Repeat Chorus]

Saan nga ba hahantong ang tagpong ito

Minahal kita pero ako'y ginago mo

And it took so long time bago pa maka-recover

Sa ginawa mo sa 'kin ay mayron pa akong hangover

Naaalala mo pa ba no'ng tayo pa

Kasa-kasama ka 'san man ako magpunta

Pinagsilbihan kita mula ulo hanggang paa

Pati ang bra't panty mo ako ang naglalaba

Kinukunsinte ka kung meron nagawang mali

(Oo na, oo na, sige na, tama ka naman palagi, eh)

Mga inutos mo sa akin 'di ko sinuway

Mas sinusunod na nga kita kesa sa aking nanay

Lahat na lang ng bagay binigay ko sa iyo

Naging sunud-sunuran ako na parang aso

'Pag may kausap kang iba, ako'y dini-deny

Basta gwapo ang guy, maaga kang bumibigay

Damn, napaka-istupido ng puso kong ito

Ano ba ang dahilan at ako ay ginanito mo

Inaway mo ako at iyong itinaboy

At sa ibang boy, nakipaglaro ka ng apoy

Ako'y nananaghoy, puso ko ay nabiyak

Wasak na wasak ang puso ni Nasty Mack

Inaamin ko noon na minahal nga kita

Pero ngayon, binabawi ko na[Repeat Chorus thrice fading]

Song Discussions is protected by U.S. Patent 9401941. Other patents pending.

Enjoy the lyrics !!!