damnlyrics.com

Sana Bukas Pa Ang Kahapon (Minus One)

Kung sana'y darating pa lang ang sa aking nagdaan

Di ako mabibigla at mapapaghandaan

Kabiguan, kasawian, sana'y di akin ngayon

Sana bukas pa ang kahapon

Sana'y maiiwasan ko ang tayo'y magkalapit

Kung alam kong luha lang ang magiging kapalit

Akala kong pagmamahal, bakit ba nagkaganun

Sana bukas pa, sana bukas pa ang kahapon

Kung maibabalik ko lang ang kamay ng orasan

Sana ako'y may bukas pa, sa kasawia'y makakaiwas pa

Ang lahat may lunas pa kung ang 'yong kahapon

Sana'y bukas pa

Ang pagsisisi nga naman laging sa dakong huli

Ang mangyayari pa lang di natin alam kasi

Dahil di natin hawak ang pagtakbo ng panahon

Sana bukas pa, sana bukas pa

Sana bukas pa ang kahapon

Enjoy the lyrics !!!