damnlyrics.com

Sayaw Ng Pagibig

Ngayong gabi tayo'ng simula ng pagibig

Ang iyong mata'y sa akin lang nakatingin

Para bang ako ang 'yong buwan at bituin

At di maiwasang maluha sa yong tabi

Tibok ng puso mo ang naririnig

Sabay sa tiempo, sabay sa palo

Umiindak na ang kaliwa mong paa at

Ako naman ay sumusunod sayo

Hawak mo ang kamay at puso ko

Sumasabay sa sayaw ng pagibig ko sayo

Ang lahat ay para satin, 'di mauubos ang oras natin

Sa bawat galaw mo ay ginuguhit

Ang ating ngayon, bukas at kailanman

Sabay sa palo, sabay sa ritmo

Umiindak na ang kaliwa mong paa at

Ako naman ay sumusunod sayo

'di ka pa napapagod sa tugtog

Sumasabay sa sayaw ng pagibig ko sayo

Yakapin mo ako...

Umiindak na ang kaliwa mong paa at

Ako naman ay sumusunod sayo

Hawak mo ang kamay at puso ko

Sumasabay sa sayaw ng pagibig ko sayo

Enjoy the lyrics !!!