damnlyrics.com

Shantidope (feat. Gloc 9)

Andami dami daming maiingay dun sa amin

O kay tagal ko na nag-iikot para hanapin

Kung sinong sumusulat at humihingang malalim

At 'di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaingGandang umaga haring araw

Tulala sa kaning bahaw

Pang-amoy na nabusog sa lumalapang

alingasaw ng kalyeng kairitang halayang ininit lang

Tiis lang ang lasa parang minumog na sinigang

Pasok sa paaralan, ganon pa din pag-uwi

Dakilang tagahiwalay ng dekolor sa puti

Poso na nagturo sa'king pa'no humingang malalim

Lumaki na gutom lamang ang 'di kayang kalabanin

Mababad man sa gawaing bahay

Laging nangunguna pag nakahawak ng pluma ay nag-iibang anyuan

Ani mo'y sinaniban ni Buddah, Shiva, Garuda, Kristo, Medusa

Dami ng duda, dumami din ang mga balahibo na mas pinatayo

Andami dami daming maiingay dun sa amin

Bibihira kung dalawin ng grasya't sariwang hangin

Sa dami ng bukambibig kung nakakulong lang sa silid

Mikropono lang pala ang kailangan upang ako'y madinigAndami dami daming maiingay dun sa amin

O kay tagal ko na nag-iikot para hanapin

Kung sinong sumusulat at humihingang malalim

At 'di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaing

Andami dami daming maiingay dun sa amin

O kay tagal ko na nag-iikot para hanapin

Kung sinong sumusulat at humihingang malalim

At 'di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaing

Taas noo pa ding nakayuko

Salop man ay madalas mapuno

Sa kabila ng nagbabalak, apulahin ang apoy sa pasan na sulo

Parang kadabuwan nakikipagbuno, tuwing araw ng dalaw laging madugo

Ngayon man ay siniguradong makalaglag takuri kada bagong pakulo

Napapakapit tuko lahat ng aking kuko

Nakabaon ng malalim para lang hukayin ang mga diyamante sa aking bungo

Andami nating gusto na 'di magawa pagka't ayaw nating matukso

Mga bagay na 'di mo na pwedeng gawin

kapag ka dumating na ang ating sundoPagkagaling sa eskwela, rekta palit kamiseta

Takas sa pagkakatengga sa parisukat kong planeta

Sa dinamidami ng mabenta pansakit sa kabila ang tenga

'Di na malabong sulatan ko lang ang tanging magtunog risetaAndami dami daming maiingay dun sa amin

Mga sikmurang mistulang hindi pa kumakain

Sa dami ng bukambibig kung nakulong lang sa silid

Mikropono lang pala ang kailangan upang ako'y madinigAndami dami daming maiingay dun sa amin

O kay tagal ko na nag-iikot para hanapin

Kung sinong sumusulat at humihingang malalim

At 'di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaing

Andami dami daming maiingay dun sa amin

O kay tagal ko na nag-iikot para hanapin

Kung sinong sumusulat at humihingang malalim

At 'di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaing

Song Discussions is protected by U.S. Patent 9401941. Other patents pending.

Enjoy the lyrics !!!