damnlyrics.com

Singsing

Ibang iba ang dating kahit saan pa tumingin

Walang kapares ang ganda parang mga bitwin

Ang lambing ng kilos madaling mahalin

Siya ay dyamanteng makinang ang hirap niyang abutin

At siyay isang dalaga pangalay esmeralda

At sa buong barkada siya lang ang nakachamba

Na matupad ang pangarap niya na kasal

Kaso pang komersyal lang lahat pangtv literal

Kung tawagin silang magbabarkada ay bicol ladies

At siya ang pinaka hot sa grupo no one's against it

Pero lahat may katanungan kung bakit kadalasan

Ang gusto ay hindi pa ang kapalaran

Kung hindi man para sakin ito

Di na ko magtataka kung bakit laging bigo

Ako ay lagi lamang naririto

Kahit na nahihirapan na ang sarili ko

Ay handa kong maghintay

Kung kailan ibibigay

Pero kung di man para sakin ito

Kahit na anong mangyari ako ay nariritoPakinggan ang istorya nitong si ruby

Tipo ng babae hindi basta tipikal lang

Top of the class at di siya nagpapahuli

Pero gaya ng iba na meron ding napagdaanan

Siyay dalagang matalino na tapos sa medisina

Malawak ang isip niya ngunit may pagkataklesa

Minsan ay umasang balang araw makasal

Sa isang tao na pinangarap at lubos niyang minahal

Ngunit di niya inakalang dadanas ng kabiguan

Nang mapag-alamang sa nobyo niya may di siya nalalaman

Na taliwas sa inakala ang lihim nitong katauhan

Ngunit babangon siya ano mang pait ng kapalaran

Kung hindi man para sakin ito

Di na ko magtataka kung bakit laging bigo

Ako ay lagi lamang naririto

Kahit na nahihirapan na ang sarili ko

Ay handa kong maghintay

Kung kailan ibibigay

Pero kung di man para sakin ito

Kahit na anong mangyari ako ay nariritoSiya raw ang pinakaswabe yan ang sabi sa kwento

Kung titignan parang walang depekto

Yung korte perpekto kaso tyempo di na pwede kay pedro

Kasi napamahal na siya sa kumbento

Kaya mukhang hindi na para kay adan ang kutis balerina

Malabo nang maging tulad ni zoren at carmina

Binalutan at mukha niya nalamang ang pwede makita

Nakarating na sa altar kaso nga lang bilang maria

Pinangarap kung makarating ng kasalan

Nangyari kaso nga lang sa ibang pagmamahalan

Iba man ang dahilan bago ko pa maranasan

Ayos lang kahit di binigay ng kapalaranKung hindi man para sakin ito

Di na ko magtataka kung bakit laging bigo

Ako ay lagi lamang naririto

Kahit na nahihirapan na ang sarili ko

Ay handa kong maghintay

Kung kailan ibibigay

Pero kung di man para sakin ito

Kahit na anong mangyari ako ay nariritoLagi na lang kaibigan ang dating

Kahit na estado natin mahirap na tanggapin

Ako sayo ay merong palihim na pagtingin

Matalik na kaibigan

Babae lang tayo dapat hindi pwedeng kiligin

Pero bakit ba sa tuwing ikaw ay nasa tabing

Tayong dalaway nagmimistulang lesbian ang dating

San man tayo magpunta ay pinipicturan kita

Di ko akalain sunod na kuhay sa kasal mo na

Gusto ko sabihing goldie I'm happy, I'm always be here

For everyday im still ang bestfriend mo na chubby

Masaya ako na maging abay at sa iyong kasalan

Na sa ibang kamay ibinigay ng kapalaranKung hindi man para sakin ito

Di na ko magtataka kung bakit laging bigo

Ako ay lagi lamang naririto

Kahit na nahihirapan na ang sarili ko

Ay handa kong maghintay

Kung kailan ibibigay

Pero kung di man para sakin ito

Kahit na anong mangyari ako ay nariritoNawawalan na siya ng pag-asa

Na meron pang tyansyang dumating ang araw na iharap siya sa dambana

Di naman daw siya yung tipong may nagkakandarapa

Kaso mapaglaro pala talaga ang tadhana

Sa unang tingin walang ningning

At kung tutuusin hindi siya kapansin pansin

Sinong magaakalang panahon ay darating

Na siya pa pala ang unang aalayan ng singsing

Bagay na minsan lamang mararanasan

Sakanya pa nangyari ng di inaasahan

Kabaliktaran pala kadalasan

Kaya wag pangunahan

Kung anong kapalaranKung hindi man para sakin ito

Di na ko magtataka kung bakit laging bigo

Ako ay lagi lamang naririto

Kahit na nahihirapan na ang sarili ko

Ay handa kong maghintay

Kung kailan ibibigay

Pero kung di man para sakin ito

Kahit na anong mangyari ako ay nariritoKung hindi man para sakin ito

Di na ko magtataka kung bakit laging bigo Ako ay lagi lamang naririto

Kahit na nahihirapan na ang sarili ko

Song Discussions is protected by U.S. Patent 9401941. Other patents pending.

Enjoy the lyrics !!!