damnlyrics.com

Tabing Ilog (Near the River)

Tabing Ilog by Barbie’s cradle

Sa ilog ang mundo'y tahimik

Ako'y nakikinig sa awit ng hangin

Habang kayo'y hinihintay

Na sana'y dumating bago magdilim

Sa tuwina'y kandungan niyo ay duyan

Panaginip na walang katapusan

Ang ilog hantungan niya'y pangako

Ng inyong pagbabalik

Ngiting kasama ng hangin

Luhang daloy ng tubig

Sa ilog na `di naglilihim

Sa ilog ang mundo'y may himig

`Di sanang nagpalit ang awit ng hangin

Habang kayo'y hinihintay

Mata'y may ngiti, puso'y nananabik

Sa tuwina'y kandungan niyo ay duyan

Panaginip na walang katapusan

Ang ilog hantungan niya’y

Pangako ng ‘yong pagbabalik

Ngiting kasama ng hangin

Luhang daloy ng tubig

Sa ilog na `di naglilihim

Sa ilog. Oh.

---

Lyrics submitted by ro_oan.

Enjoy the lyrics !!!