damnlyrics.com

Tayo'y Mga Pinoy

Tayo’y mga Pinoy, tayo’y hindi Kano

Wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango

Dito sa Silangan ako isinilang

Kung saan nagmumula ang sikat ng araw

Ako ay may sariling kulay kayumanggi

Ngunit hindi ko maipakita tunay na sarili

Kung ating hahanapin ay matatagpuan

Tayo ay may kakanyahang dapat na hangaan

Subalit nasaan ang sikat ng araw

Ba’t tayo ang humahanga doon sa Kanluran

Sabi ni hepe wag tayong manggaya

Wag kang manggagaya kung di mo rin kaya

Mangopya ka man siguraduhin mong

Mas mahusay sa kinopyahan at matinong matino

Kahit ilong mo ay baliko kahit na panget sarat at pango

Basta’t pantay-pantay walang kulay walang away awitin nating sabay-sabay

CHORUS 1

Bakit nanggagaya, mayro’n naman tayo

Tayo’y mga Pinoy, tayo’y hindi Kano

Wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango

Dito sa Silangan, tayo’y isinilang

Kung saan nagmumula ang sikat ng araw

Subalit nasaan ang sikat ng araw

Ba’t tayo ang humahanga doon sa Kanluran

[Repeat CHORUS 1]

Aking sina-saisip at puso’t damdamin at may paniwala sa sariling atin

Gawa na pinoy maipag mamalaki isigaw sa mundo at ipagsabi

CHORUS 2

Mayro’ng isang aso, daig pa ang ulol

Siya’y ngumingiyaw, hindi tumatahol

Katulad ng iba, painglis-inglis pa

Na kung pakikinggan, mali-mali naman

Wag na lang

AD LIB

[Repeat CHORUS 2 except last line]

Wag na, oy oy

Oy, ika’y Pinoy

Oy, oy, ika’y Pinoy

---

Lyrics submitted by arjane rizada.

Enjoy the lyrics !!!