damnlyrics.com

Titibo-Tibo

Elementary pa lang, napapansin na nila

Mga gawi kong parang hindi pambabae kasi

Imbes na chinese garter, laruan ko ay teks at jolens

Tapos ka-jamming ko lagi noon

Mga sigang lalaki sa aminNung ako'y mag high school ay

Napabarkada sa mga bi-curious na babae na

Ang hanap din ay babae

Sa halip na makeup kit, bitbit ko ay gitara

Tapos pormahan ko lagi ay long sleeves na

T-shirt at faded na lonta

Pero noong nakilala kita

Nagbagong bigla ang aking timpla

Natuto ako na magparebond at

Mag-ahit ng kilay at least once a month

Hindi ko alam kung anong meron ka na

Sa akin ay nagpalambot nang bigla

Sinong mag-aakalang lalake pala

Ang bibihag sa tulad kong tigreng galaKahit ako'y titibo-tibo

Puso ko ay titibok-tibok pa rin sa'yo

Isang halik mo lamang, at ako ay tinatablan

At ang aking pagkababae ay nabubuhayan

Na para bang bulaklak na namumukadkad

Dahil alaga mo sa dilig at katamtamang

Sikat ng araw-araw mong pag-ibig

Sa 'king buhay nagpapasarap

Nung tayo'y nag-college ay

Saka ko lamang binigay ang matamis na oo

Sampung buwan mong trinabaho

Sa halip na tsokolate at tipikal na mga diskarte

Nabihag mo ko sa mga tula at sa mga kwento mong pabebeKaya nga noong makilala kita

Alam ko na agad na mayroong himala

Natuto akong magtakong at napadalas

Ang pagsuot ng bestidang pula

Pero 'di mo naman inasam na ako ay

Magbagong tuluyan para patunayang

Walang matigas na tinapay sa mainit na kape

Ng iyong pagmamahalKahit ako'y titibo-tibo

Puso ko ay titibok-tibok pa rin sa'yo

Isang halik mo lamang, at ako ay tinatablan

At ang aking pagkababae ay nabubuhayan

Na para bang bulaklak na namumukadkad

Dahil alaga mo sa dilig at katamtamang

Sikat ng araw-araw mong pag-ibig

Sa 'king buhay nagpapasarap

Song Discussions is protected by U.S. Patent 9401941. Other patents pending.

Enjoy the lyrics !!!