damnlyrics.com

Tuwing Umuulan At Kapiling Ka

Pagmasdan ang ulan

Unti-unting pumapatak sa mga halaman at mga bulaklak

Pagmasdan ang dilim

Unti-unting bumabalot sa buong paligid ay umuulanKasabay ng ulan bumubuhos ang yong ganda

Kasabay ng hangining kumakanta

Maari bang huwag ka nang sa piling ko'y lumisan pa

Hanggang ang langit ay tumila na?Buhos na ulan aking mundo'y lunuring tuluyan

Tulad ng pag-agos mo di mapipigil

Ang puso kong nagliliyab

pag-ibig ko'y umaapaw

Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa

Pagmasdan ang ulan unti-unting tumitila

Ikaw rin magpapaalam na

Maari bang minsan pa

Mahagkan ka't maiduyan ka

Sakbibi ka't ulan lamang ang saksi?

Minsan pa ulan bumuhos ka't h'wag ng tumigil pa

Hatid mo may bagyo dalangin ito ng puso kong sumasamo

Pag-ibig ko'y umaapaw

Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwaMaari bang minsan pa

Mahagkan ka't maiduyan ka

Sakbibi ka't ulan lamang ang saksi?

Song Discussions is protected by U.S. Patent 9401941. Other patents pending.

Enjoy the lyrics !!!