damnlyrics.com

Tuwing Umuulan At Kapiling Ka

Pagmasdan ang ulan

Unti-unting pumapatak sa mga halaman at mga bulaklak

Pagmasdan ang dilim

Unti-unting bumabalot sa buong paligid tuwing umuulan

Kasabay ng ulan bumubuhos ang 'yong ganda

Kasabay ng hanging kumakanta

Maari bang huwag ka nang sa piling ko'y lumisan pa

Hanggang ang hangi't ula'y tumila naBuhos ng ulan aking mundo'y lunuring tuluyan

Tulad ng pag-agos mo 'di mapipigil

Ang puso kong nagliliyab

Pag-ibig ko'y umaapaw

Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa

Tuwing umuulan at kapiling kaPagmasdan ang ulan unti-unting tumitila

Ikaw rin magpapaalam na

Maari bang minsan pa

Mahagkan ka't maiduyan pa

Sakbibi ka't ulan lamang ang saksi?Minsan pa ulan bumuhos ka't h'wag ng tumigil pa

Hatid mo ma'y bagyo dalangin ito ng puso kong sumasamo

Pag-ibig ko'y umaapaw

Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa

Tuwing umuulan at kapiling kaMaari bang minsan pa

Mahagkan ka't maiduyan ka

Sakbibi ka't ulan lamang ang saksi?Buhos ng ulan aking mundo'y lunuring tuluyan

Tulad ng pag-agos mo 'di mapipigil

Ang puso kong nagliliyab

Pag-ibig ko'y umaapaw

Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa

Tuwing umuulan at kapiling kaMinsan pa ulan bumuhos ka't h'wag ng tumigil pa

Hatid mo ma;y bagyo dalangin ito ng puso kong sumasabog

Pag-ibig ko'y umaapaw

Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa

Tuwing umuulan at kapiling ka

Enjoy the lyrics !!!