damnlyrics.com

Tuwing Umuulan

Pagmasdan ang ulan unti-unting pumapatak

Sa mga halama't mga bulaklak

Pagmasdan ang dilim unti-unting bumabalot

Sa buong paligid t'wing umuulanKasabay ng ulan bumubuhos ang iyong ganda

Kasabay ng hanging kumakanta

Maaari bang huwag ka nang

Sa piling ko'y lumisan pa

Hanggang ang hangi't ula'y tumila naBuhos na ulan aking mundo'y lunuring tuluyan

Tulad ng pag-agos mo

'Di mapipigil ang puso kong nagliliyab

Pag-ibig ko'y umaapaw

Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa

Tuwing umuulan at kapiling ka

Pagmasdan ang ulan unti-unting tumitila

Ikaw ri'y magpapaalam na oh

Maaari bang minsan pa

Mahagkan ka't maiduyan pa

Sa tubig at ulan lamang ang saksiMinsan pa ulan bumuhos ka

Huwag nang tumigil pa

Hatid mo ma'y bagyo

Dalangin ito ng puso kong sumasamo

Pag-ibig ko'y umaapaw

Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa

Tuwing umuulan at kapiling kaLa la la...Maaari bang minsan pa

Mahagkan ka't maiduyan pa

Sa tubig at ulan lamang ang saksi

Buhos na ulan aking mundo'y lunuring tuluyan

Tulad ng pag-agos mo

'Di mapipigil ang puso kong nagliliyab

Pag-ibig ko'y umaapaw

Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa

Tuwing umuulan at kapiling kaPagmasdan ang ulan unti-unting tumitila

Ikaw ri'y magpapaalam na oh

Maaari bang minsan pa

Mahagkan ka't maiduyan pa

Sa tubig at ulan lamang ang saksi

Minsan pa ulan bumuhos kaHuwag nang tumigil pa

Hatid mo ma'y bagyo

Dalangin ito ng puso kong sumasamo

Pag-ibig ko'y umaapaw

Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa

Tuwing umuulan at kapiling ka

Song Discussions is protected by U.S. Patent 9401941. Other patents pending.

Enjoy the lyrics !!!