damnlyrics.com

Tuwing Umuulan at Kapiling Ka

Pagmasdan ang ulan

Unti-unting pumapatak sa mga halama't mga bulaklak

Pagmasdan ang dilim

Unti-unting bumabalot sa buong paligid tuwing umuulanKasabay ng ulan bumubuhos ang iyong ganda

Kasabay rin ng hanging kumakanta

Maari bang huwag ka nang sa piling ko'y lumisan pa

Hanggang ang hangi't ula'y tumila na?[CHORUS ONE]

Buhos na ulan aking mundo'y lunuring tuluyan

Tulad ng pag-agos mo di mapipigil

Ang puso kong nagliliyab

Pag-ibig ko'y umaapaw

Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa

Tuwing umuulan at kapiling kaPagmasdan ang ulan unti-unting tumitila

Ikaw ri'y magpapaalam na

Maari bang minsan pa

Mahagkan ka't maiduyan pa

Sakbibi ka't ulan lamang ang saksi?[CHORUS TWO]

Minsan pa ulan bumuhos ka't h'wag nang tumigil pa

Hatid mo ma'y bagyo dalangin ito ng puso kong sumasamo

Pag-ibig ko'y umaapaw

Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa

Tuwing umuulan at kapiling kaMaari bang minsan pa

Mahagkan ka't maiduyan pa

Sakbibi ka't ulan lamang ang saksi?[CHORUS 1 & 2 TILL FADE]

Song Discussions is protected by U.S. Patent 9401941. Other patents pending.

Enjoy the lyrics !!!