damnlyrics.com

Ulan Sa Siyudad

Ang bawat patak ng ulan sa siyudad

ay patak ng payapa sa bubong ng isipan

Hala umulan ka, o kaibigang langit

diligan ng payapa ang puso at isip

Hayaang uminom sa katas ng buhay

ang mga pagod sa maghapong trabaho

Hayaang magtampisaw sa galak at tagumpay - ang batang tumanda sa paghahanapbuhay

Pagmasdan mo, o anak ng siyudad

'di mabilang ang patak ng ulan

Ikaw tulad niya ay 'di nag-iisa

sa daloy ng ating kasaysayan

Adlib:

Basbasan basbasan o patak ng ulan

Basbasan kaming nagpupunyagi

Pagkat tulad mo kami'y nagtatagpo

sa daloy ng aming kasaysayan...

Ang bawat patak ng ulan sa siyudad

ay patak ng payapa sa bubong ng isipan

(JOEY AYALA "Ulan sa Siyudad)

Enjoy the lyrics !!!