damnlyrics.com

Wakas

Tanaw ko ang katapusan

At mga araw ko'y bilang

May tanong sa itaas

Na walang kasagutan

Di ko maikubli ang lungkot ng sandali

Di ko inakalang lumipas na

Umpisa na ng Wakas

Dumating na ang oras

Ang sakit ay lilipas

Huling araw na ito

Umpisa na ng wakas

Ang araw ay lulubog

Sa dapithapon

Bilang ang bawat tibok

Ng pusong kulong

Umpisa na ng Wakas

Dumating na ang oras

Ang sakit ay lilipas

Huling araw na ito

Umpisa na ng wakas

Umpisa na ng Wakas

Di ko maikubli ang lungkot ng sandali

Di ko inakalang lumipas na

Di ko matandaan itong nakaraan

Ang tangi kong alam ika'y nandyan

Umpisa na ng Wakas

Dumating na ang oras

Ang sakit ay lilipas

Huling araw na ito

Umpisa na ng wakas

Nagpapaalam, lumalayo

Nagpapaalam, lumalayo

Nagpapaalam, lumalayo

Nagpapaalam, lumalayo

Ito ng ang aking wakas

Lyrics Submitted by Darrick Totten

Enjoy the lyrics !!!