damnlyrics.com

Walang Hanggan

Gulong gulo ang puso.

Saan ba 'to patungo?

Di ko alam. Di ko alam.

Hinarap lahat ng balakid

Pero bakit walang kapit

Ang mga pangakong binitawan?Di ko alam. Di ko alam.

Noong ika'y nilalamig, ako'y iyong init.

kapag takot sa bukas, ako'ng unang sisilip

Ginawa ko na ang lahat

Di pa din sapat kasi ika'y mawawala na.Nawalan ng gana ang tadhana.

Nanlalamig 'yong dating nagbabaga.

Kung maibabalik lang sana.

Titiisin ko na kahit paulit-ulit

Tapos pipilitin ko na di maulit

Ang masulyapan mo yung dulo

Akala ko walang hanggan pero may dulo.

Bawat segundo sa aking puso iuukit.

Lahat ng alaala aking iguguhit,

para makalimutan mong may dulo.

Ang sabi mo walang hanggan, pero eto tayo

sa dulo.Kailan ka ba napaso?

Nanlalamig na ang iyong braso.

Bakit ganyan? Bakit ganyan?

Kung pwede lang pakisagot lahat ng bakit.

Saan galing ang galit?Mayroon bang nang-aakit?

Kailangan ko lang malinawan.

Bakit ganyan? Bakit ganyan?

Handang panindigan lahat ng ating plano.

Sigurado kahit di kabisado.

Gagawin ko ang lahat.

Walang pake kung di sapat

Kasi ikaw ay mawawala na.

Nawalan ng gana ang tadhana.

Nanlalamig iyong dating nagbabaga.

Kung maibabalik lang sana.

Iindahin ko ang sakit na gumuguhit.

Ngingiti sa likod ng luhang pumupunit

Baka masulyapan mo yung dulo.Kasi sabi mo walang hanggan,

Ba't merong dulo?

Ibibigay ko ang lahat paulit ulit.

Bawat pagkakataon ay aking isusulit,

Basta matalikuran mo yung dulo.

Ang sabi mo walang hanggan.

Ba't na'ndito tayo sa dulo?Oh Ohhh

Sa dulo.

Oh oh ohhh

'Wag ka munang tumalikod.

Bumalik ka muna dito.

Padampi kahit anino.

Ayokong mag-isa dito.

Wala na bang bisa aking dalangin?

Tinataboy na ba ng langit?

Nakikiusap na lang sa hangin,

Ngayon wala ka na sa akin.Ohhh

Bakit ba biglang meron tayong dulo?

Pangako mo walang hanggan.

Bakit nandiyan ka sa dulo?

Pwede bang kalimutan mong may dulo?

Handa 'ko sa walang hanggan.

Pangako mo walang hanggan.

Akala ko walang hanggan.

Pero eto tayo sa dulo.Kung ika'y mawawala sa aking piling,

Dinggin mo aking bilin.

Lingon ka lang paminsan minsan.

Dito lang ako.

Di ako lilisan.

Sa aking dulo, di ako lilisan.

Enjoy the lyrics !!!