damnlyrics.com

Yaya

May pag-ibig pa palang ganto

Tila sumusubaybay ang buong mundo

Bawat tingin, bawat sulyap

Walang bawal sa pangarap

May wakas ba ang hiwagang kay sarapYaya-yain kita

Sa tamang panahon, sa altar ng Poon

Yaya-kapin kita

Kung hindi man ngayon,

darating tayo do'n

Kung mahal mo ako

at mahal din kita

Balang-araw tayo ring dalawaKahit pader, di tayo mapaghiwalay

Kahit matatanda'y di tayo masaway

Bawat puso'y sumisigaw

Hinihintay lang ang araw

na kahit 'sang saglit, ikaw ay matanawYaya-yain kita

Sa tamang panahon, sa altar ng Poon

Yaya-kapin kita

Kung hindi man ngayon,

sa madaling panahon

Kung mahal mo ako

at mahal din kita

Balang-araw tayo ring dalawaKung may hahadlang man sa pagmamahalan

Wag mag-alala, puso ko'y sa'yo lamang

Panahon natin ito

Bakit natin isusuko

Balang-araw, alaala natin itoYaya-yain kita

Sa tamang panahon, sa altar ng Poon

Yaya-kapin kita

Kung hindi man ngayon,

Sa madaling panahon

Kung mahal mo ako

at mahal din kita

Balang-araw tayo ring dalawa

(Balang araw sinta)

Kung mahal mo ako

at Mahal din kita

Balang araw tayo ring dalawa

Song Discussions is protected by U.S. Patent 9401941. Other patents pending.

Enjoy the lyrics !!!