damnlyrics.com

sirena

Ebe:

Akoy isang sirena

Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda

Akoy isang sirena

Kahit anong gawin nila bandera koy di tutumba

Drum na may tubig ang sinisisid

Naglalakihang mga braso sa akin dumidikdik

Drum na may tubig ang sinisisid

Sa patagalan ng paghinga, sakin kayo ay bibilib

Gloc 9:

Simula pa nong bata pa ako,

Halata mo na kapag naglalaro

Kaya para lahat ay nalilito,

Magaling sa Chinese garter at piko

Mga labi koy pulang pula,

Sa bubble gum na sinapa

Palakad lakad sa harapan ng salamin,

Sinasabi sa sarili anong panama nila

Habang kumekembot ang bewang,

Mga hikaw na gumegewang

Gamit ang pulbos na binili kay aling bebang

Upang matakpan ang mga pasa sa mukha

Na galing sa aking ama

Na tila di natutuwa sa tuwing akoy nasisilayan

Laging nalalatayan,

Sa paglipas ng panahon ay di ko namamalayan

Na imbes na tumigas ay tila lalong lumalambot

Ang puso kong mapagmahal

Parang pilik matang kulot..

Ebe:

Akoy isang sirena

Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda

Akoy isang sirena

Kahit anong gawin nila bandera koy di tutumba

Drum na may tubig ang sinisisid

Naglalakihang mga braso sa akin dumidikdik

Drum na may tubig ang sinisisid

Sa patagalan ng paghinga, sakin kayo ay bibilib

Gloc 9:

Hanggang sa naging binata na ako

Teka muna mali, dalaga na pala to

Pero bakit parang lahat ay nalilito pa rin

Ano bang mga problema nyo

Dahil ba ang mga kilos koy iba,

Sa dapat makita ng inyong mata

Sa tuwing nanonood ng liga laging natutulala

Kahit di pumasok ang bola akoy tuwang tuwa

Kahit binaliw na sa tapang, kasi ganun na lamang

Akong paluin ng tubo kahit kinakalawang

tama nanaman itay, di napo ako pasaway

Di ko na po isusuot ang lumang saya ni inay

Kapag akoy naiiyak ay sumusugod sa ambon

Iniisip ko na lamang na baka akoy ampon

Kasi araw araw na lamang ay walang humpay na banat

At inaaabot ang ganda ko papailalim ng dagat

Ebe:

Ako'y isang sirena

Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda

Akoy isang sirena

Kahit anong gawin nila bandera koy di tutumba

Drum na may tubig ang sinisisid

Naglalakihang mga braso sa akin dumidikdik

Drum na may tubig ang sinisisid

Sa patagalan ng paghinga, sakin kayo ay bibilib

Gloc 9:

Lumipas ang mga taon na nagsipag-asawa

Aking mga kapatid, lahat silay sumama

Nagpakalayo layo ni hindi makabisita

Kakain na po itay, nakahanda nang lamesita

Akay akay sa paglakad paisa isang hakbang

Ngayoy butot balat ang dati matipunong katawan

Ngayon sa iyong kaarawan, susubukan kong palitan

Ang lungkot na nadarama, wag napo nating balikan

Kahit medyo naiinis hindi dahil sa nagka-cancer

Kasi dahil ang tagapag-alaga moy nakadaster

Isang gabi, akoy iyong tinawag, lumapit

Ako sayong tabi ikay tumangan, kumapit

Ka sa aking kamay kahit hirap magsalita

Anak, patawad sana sa lahat ng aking nagawa

Di sinusukat ang tapang at ang bigote sa mukha

Dahil kung minsa mas lalake pa sa lalake ang bakla

Ebe:

Drum na may tubig ang sinisisid

Naglalakihang mga braso, sakin dumidikdik

Drum na may tubig ang sinisisid

Sa patagalan ng paghinga sakin kayo ay bibilib

Akoy isang sirena

Kahit anong gawin nila

Bandera koy di tutumba

Enjoy the lyrics !!!