Awit Ng Dakilang Jubileo (feat. 92AD) - Jamie Rivera
| Page format: |
Awit Ng Dakilang Jubileo (feat. 92AD) Lyrics
Mayroong galak, kapayapaan
Ang puso ay mayr’ong layang
Hilumin ang sugat ng hidwaan
Mayroong biyaya at pag-asang
Alay sa bawa’t kapwa
Ang mundo ay gagawing isa
O ating pasalamatan
Ang Ama, Anak at Espiritu
Kaisa ni Maria’y aawit
Buksan ang puso at mga mata
Sa biyayang sati’y dulot N’ya
Kahit iba’t-iba, isang pamilya
Walang tanikalang magbibihag
Sa puso ng bawat isa
Pag-ibig at pag-asa ang madarama
Panahon ng Dakilang Saya
Manalangin tayo at magpuri
Sa Diyos na naglalang
Nagdulot ng biyaya sa mundo
Sa naliligaw, gabay ang dulot
Ilaw S’yang magniningning
Pag-ibig ng Diyos ang daramhin
O ating pasalamatan
Ang Ama, Anak at Espiritu
Kaisa ni Maria’y aawit
Buksan ang puso at mga mata
Sa biyayang sati’y dulot N’ya
Kahit iba’t-iba, isang pamilya
Walang tanikalang magbibihag
Sa puso ng bawat isa
Pag-ibig at pag-asa ang madarama
Panahon ng Dakilang Saya
Buksan ang puso at mga mata
Sa biyayang sati’y dulot N’ya
Kahit iba’t-iba, isang pamilya
Walang tanikalang magbibihag
Sa puso ng bawat isa
Pag-ibig at pag-asa ang madarama
Panahon ng Dakilang Saya
Panahon ng Dakilang Saya
Lyrics Submitted by Jimi
