Ba't Di Mo Pagbigyan - Various Artists
Page format: |
Ba't Di Mo Pagbigyan Lyrics
Bakit ba hindi pwedeng maging tayo?
Ang nais mo ay kaibigan lang ako
Dinamdam ko ng lubos ang mga sinabi mo
Wala na ba akong pag-asa sa puso mo?
'Pag nakikita ka ako'y nangangamba
Lagi kang umiiwas sa tuwing lalapitan kita
Ba't di mo pagbigyan ang pag-ibig ko?
Tapat naman ang puso ko sa 'yo
Bigyan sana ako kahit konting pagkakataon
Ba't di mo pagbigyan ang pag-ibig ko?
Lahat ay gagawin para sa Iyo
Nakiki-usap sa konting pagkakataong mahalin mo
Ohh
Sana ay magbago ang damdamin mo
At dinggin mo ang paki-usap ko
Makasama ka kahit saglit ay tatanggapin ko
Patutunayan ko sa 'yo, mahal kang totoo
Ngunit 'pag nandiyan ka na, ako'y walang magawa
Lagi kang umiiwas sa tuwing lalapitan kita
Ba't di mo pagbigyan ang pag-ibig ko?
Tapat naman ang puso ko sa 'yo
Bigyan sana ako kahit konting pagkakataon
Ba't di mo pagbigyan ang pag-ibig ko?
Lahat ay gagawin para sa Iyo
Nakiki-usap sa konting pagkakataong mahalin mo
Ba't di mo pagbigyan ang pag-ibig ko?
Tapat naman ang puso ko sa 'yo
Bigyan sana ako kahit konting pagkakataon
Ba't di mo pagbigyan ang pag-ibig ko?
Lahat ay gagawin para sa Iyo
Nakiki-usap sa konting pagkakataong mahalin mo
Ohh.. Mahalin mo
---
Lyrics submitted by Zilg Oicapse.