Bolang Kristal (feat. KZ Tandingan) - Abra
Page format: |
Bolang Kristal (feat. KZ Tandingan) Lyrics
Verse 1:
Bolang Kristal ipakita mo sa akin ang
Kapalaran ni Dante kung sakali lang
Na malulong sa pag inom ng ALAK
Di alam na papunta sa patibong ang tapak.Mapapahamak, walang pake.
Inuman na agad ng hapon hanggang gabe.
Hanggang abutin ng umaga, nakatulala na
Walang maalala, parang dumaan sa
Gubat ang itsura, hininga amoy suka.
Suka sa sahig at laway sa bibig natuyo na
Puro alak lang ang madalas kasama
Bakit nga ba to mali kung malakas ang tama
Lasing na lasing, nakaaway ang nobya
Sa gulong ng kapalaran nina vodka
Naiwan na wala man lang na halik at yakap
Di alam ang gagawin kundi balik sa alak
Hanggang sa isang gabi, natagpuan
Galing sa inuman at nag lalakad sa ulan
Nakapikit at walang imik pauwi na
Ng bigla na lamang nakarinig ng busina
May kotse na biglang pabangga na sa kanya
Di napansin nasa gitna ng kalsada pala sya
Hindi na nagawang, umiwas sapagkat
Namalayan lang ni Dante nung huli na ang lahat.Chorus:
Ang bawat kilos may kahihinatnan
Sikapin mo bago sapitin ang napiling daan.
Minsan, sarili din ang pinagdidiktahan
Kung hawak mo naman ang palad mo
Ano naman kailangan mo sa Bolang Kristal.Verse 2:
Bolang Kristal ipakita mo sa akin ang
Kapalaran ni Dante kung sakali lang
Na malulong at maakit sa DROGA
Na ipinagbabawal na adik ng sobra.Nag simula sa alok ng kaibigan
Napatikim at ng sabog, nakangiti lang.
Nakahiligan dating pangangapa lang
Ang laging pang-aliw naging pangangailangan.
Ano pa nga ba? Wala ngang namimilit
Kailangan ng tama, para sa tamang pag iisip
Para matahimik, para makahirit
Parang nabubuhay sa magandang panaginip
Hanggang sa naging bula ang pera.
Nawala na lang kaya nagsimula magbenta.
Naging taga tulak ng mga tampalasan,
Desisyon na wala ng atrasan.
Isang gabi, na nagkabilangan.
Na ka-tropa nya sa droga na walang iwanan
Nakatulog, at magising ay naisahan
Wala ng droga at pera at ang napagbintangan
Ay sya lang, nalaman at nagalit ang amo
Sapagkat, walang natira na kahit na magkano
Di masukat ang bigat ng pighating nadama
Nasisante si Dante at binaril sa panga.Chorus:
Ang bawat kilos may kahihinatnan
Sikapin mo bago sapitin ang napiling daan.
Minsan, sarili din ang pinagdidiktahan
Kung hawak mo naman ang palad mo
Ano naman ang kailangan mo sa Bolang Kristal.Verse 3:
Bolang Kristal ipakita mo sa akin ang
Kapalaran ni Dante kung sakali lang
Na malulong ng masyado sa SUGAL
Bakit nga naman makikipag-talo pa tutal.Naglalaro at kumikita. Imposible ba?
Dito mabilis ang kita tipong triple pa.
Larong baraha, sabong, jueteng at karera
Pag swerte aba syempre pwedeng magkapera
Isang araw, pumasok mag-isa sa casino
Tinaya ang natitirang limang daang piso
Paraiso, na naging isang daang libo
Mula noon halos nanirahan na dito
Ng biglang bumaliktad ang ngiti sa mga labi
Ubos ang salapi at hindi na makabawi
Pero sabi sabi lang madali tong bawian
Bumawi sa casino, Kasinungalingan!
Umutang pa ng pang gasta sa maton
Puro pusta panay patalo hanggang sa mabaon
Parang nahigop ang lahat ng malakas na buhawi
Isang gabi nasa bubong na mataas na gusali
Madalas ang ugali palabag kapag gipit
Pero sa ngayon naka-tanga at naka-pikit
Kawawang Dante tapak sa gilid sabay hakbang
Sa dami ng problema, nagpakamatay na lang.Chorus:
Ang bawat kilos may kahihinatnan
Sikapin mo bago sapitin ang napiling daan.
Minsan, sarili din ang pinagdidiktahan
Kung hawak mo naman ang palad mo
Ano naman ang kailangan mo sa Bolang Kristal.*Repeat Chorus