DamnLyrics - The center provides all the lyrics


     
Page format: Left Center Right
Direct link:
BB code:
Embed:

Dedma Lyrics


[Abra:]
Bakit hindi ko maintindihan?
Sino ba at nasaan? Ha?
Ano siya? Anito? Superhero?
Taga rito ba? O baka taga buwan?Ano ba yan? Gawa gawa lang ba ng tao?
O? Kabaliktaran, tulad ni Adan?
Yung totoo 'di mo alam
Ayaw maki alam
O wala ka lang paki alam...Andami nang namamatay, pumapatay
nagpapakamatay at nabubuhay sa mali
Mga bata'y, nadadamay, sa mga away..
Ang gulo na ng mundo na kulang sa pansinPuro pa gera, dulot ng pera
Nakakalungkot, ba't ka ba ubod ng dedma?
Punyeta! Retreat sa kweba
Oras na ma-Soddom at Gomorrah
'tong buong planeta, teka[Chorus:][Julie Anne:]
Kayrami ng tukso nand'yan at lalapit sa'yo
Mga matang nakasunod nakabantay, naglalakbay

Sa pagitan ng dilim at ng liwanag
Mapait ang katotohanan sa mundong makasalanan[Abra:]
Pa'no kung walang kabilang byuhay?
Pa'no niyo kami matutubos?
Pa'no kung wala pa ring patunay
At yun kasi wala naman talagang Diyos...Na bwakaw magpasamba
Kung ayaw mo daw mananalanta
Pero ganu'n pa rin naman kahit magdasal ka
Tignan mo Deuteronomio kung mapagmahal sya...Nasa'n na ba kasi 'yung ebidensya?
Mukhang natakpan ng piring ang sistema
Mga pruweba ng primitibong siyensya
Mahirap tanggapin na parading penitensyaSentensya, sa mga mapang-abuso
Kontrolado utak kapagka hawak ang puso
Punto, sa'n patungo ang relihiyon
Sa katapusan ba ng mundo? O sa Panginoon?
Bakit gano'n?[Chorus:][Julie Anne:]
Kayrami ng tukso nand'yan at lalapit sa'yo
Mga matang nakasunod nakabantay, naglalakbay
Sa pagitan ng dilim at ng liwanag
Mapait ang katotohanan sa mundong makasalanan[Bridge:][Julie Anne:]
Minsan, di natin nababatid ang kamalian ng lahat
Na siyang kay hirap tanggapin
At kahit iisa ang kinikilalang Diyos Ama
Ang tanong, bakit yata parang dedma yung iba?[Abra:]
Nasaan, Nasaan ang kaligtasan?
Kapag naghiganti na si Inang Kalikasan?
Delubyo tapos tuhog sunog, chicken inasal
Halik ni kamatay sa kamay ng kabihasnanSino ba dapat sisihin para sa kasamaan?
Demonyo ba o malayang pagpasyang may kapatawaran?
May kaluluwa po ba talaga yung katawan?
O kathang-isip lamang ng mga takot sa kawalan?Kailangan ko ng bendisyon,
Maliwanagan parang Thomas Edison
Kahit mabusisi, alam ko sa sarili ko,
'di ko kayo kinekwestiyon, malayang desisyonKasi imposibleng inimbento ka lang
Sino ang arkitekto? Sikreto na lang
Perpekto lahat pwera disenyo pa lang
Ang tanong, bakit gano'n yan ang pala isipan[Chorus:][Julie Anne:]
Kayrami ng tukso nand'yan at lalapit sa'yo
Mga matang nakasunod nakabantay, naglalakbay
Sa pagitan ng dilim at ng liwanag
Mapait ang katotohanan sa mundong makasalanan

Enjoy the lyrics !!!

from: http://julieannesanjose.com/home/ Julie Anne San Jose started her career in 2005 when she competed in Popstar Kids, a national televised singing competition for children aged 7 to 11. Having placed among the top five competitors of the said competition, she was offered a place in the show's spin-off band dubbed Sugarpop, with whom she recorded the albums Sugarpop and Sugarpop (Repackaged), and a hosting stint in Planet Q, QTV's children-oriented animal show.

Read more about Julie Anne San Jose on Last.fm.


User-contributed text is available under the Creative Commons By-SA License and may also be available under the GNU FDL.

View All

Julie Anne San Jose