Kababaihan - Bayang Barrios
| Page format: |
Kababaihan Lyrics
Mula sa umpisa ang buhay ko’y nakasalalay
sa wika ni ama mga lalaki ng aking buhay
ano ang dahilan paano at kailan anong sanhi
Sabi ni inay dahil kami ay nag ka taong isinilang na ababe
huling dinidinig at unang pinagsasabihan ang aking daigdig ay daigdig ng kalalakihan
at ang iking silbi sa araw ay gabi ay palamuti
Tahimik sa tabi dahil lang kasi nagkataong isinilang na babae
Unang nagigising at huli nang natutulog
habang unti unting pagkatatao ay natuturo
‘di katakataka sa tahanan at pabrika akoy api.
Sabi nga nila dahil lang pala nagkataong isinilang na babae
.Hindi ko matanggap na dahil dito na sanay
ang aking hinaharap ay ganito na habang buhay
isip ay diwa puso ay kaluluwa ay pumipiglas
gaya ng bukal na di masasakal
dadaloy at dadaloy ang kalayaan.
Kasama ng iba, unti unti kong natutunan
ang aking halaga at likas na kapangyarihan
may kasarinlan may kakayahan kakanyahan
Bahagi ng buo kung saan patutungo
ang kasaysayan ng ‘sangkatauhan
ako’y samahan nyo sa aking pakikibaka
sa paglaya ko kayo ay aking kasama
dangal ko’y taglay kung san pantay pantay ang kalagyan
ating intindig sa bagong daigdig ang kalayaan ng kababaihan.
Lyrics Submitted by Hagen
