Pahiram - Kettle Mata
| Page format: |
Pahiram Lyrics
Pahiram by Storyteller Project
Naghihintay lang naman
Kung kailan ka darating.
Hindi naman makahiling
Nang sariling atin.
Sandaling oras mo
Ay parang buong buhay ko.
Mga tipid na salita
Ay kwento na sa isip ko.
(chorus)
Pahiram ng pag-ibig mo,
Kahit sandali.
Pahiram ng puso mo,
Dahil ito ay di sa akin.
May patak man ng luha
Di naman napapansin
Saya ay baliwala
Kung nagiisa at
Lungkot ang kasama.
Kung sakaling lalayo,
Puso mo ba ay kasama ko?
Kung sakaling itutuloy,
May pagkakataon ba tayo?
(chorus)
Pahiram ng pag-ibig mo,
Kahit sandali.
Pahiram ng puso mo,
Dahil ito ay di sa akin.
Oras ay kay bilis
Sa tuwing kasama ka.
Ikot ng mundo
Ay kay bagal
Tuwing hanap ka.
(chorus)
Pahiram ng pag-ibig mo,
Kahit sandali.
Pahiram ng puso mo,
Dahil ito ay di sa akin.
Di sa akin..
Lyrics Submitted by Lorenzo Camu