Bakit - Aegis
Page format: |
Bakit Lyrics
bakit hinahanap ka?
bakit tinatawag ang iyong pangalan?
hinahanap ka?
bakit tinatawag ang iyong pangalan?
Nang una kitang makita sa may Ermita
Hindi ko na namalayan kung bakit na para bang ako'y naakit
nang ika'y lumapit
tinanong ko ang iyong pangalan
at ang iyong telepono
pero sabi mo di mo kinakausap
ang mga katulad kong walang pera
walang kotse
di doble doble and cell
pero teka muna miss
wag kang mabilis lumakad
di naman ako manyakis
at walang labis
walang kulang
ang sinukli ko sa'yo
baloooot! heto pa sige
dalhin mo nalang sa inyo,
kahit na wala akong kitain
walang makain
basta't alam mo lang kung gaano kahalaga sa akin,
ang ikaw ay mapaglingkuran at mapagsilbihan
ipagpatawad mo sana
ako man ay naguguluhan
[-rEpeat chorus-]
Sa loob ng aking kuwarto
Sa loob ng banyo
Kung alam mo lamang ang dami ng mga litrato
Kinunan ko sa may kanto
At ipinakuwadro ko pa
Nang sa ganon ay lagi tayong magkasama
Araw man o gabi kahit sandali
Sa hirap man o ginhawa
Ikaw at ako magpakailanman
Na para bang mga palabas sa sine
Alam mo na para bang imposible
Pero pwede ka bang mailibre
Sa kanto ng lugaw
Palamig, siomai o siopao
Baka pwede 'wag kang masyadong matakaw
Sige na nga pero pwede bang dumalaw
Pagmamahal ko
Sana ay tanggapin mo
Pero kung itataboy moAy ikamamatay, ikamamatay ko
[Repeat CHORUS]
Siguro naman ngayon ay alam mo na
Kung gaano kawagas ang aking pag-ibig
Simula sa laman hanggang sa litid
Kailaliman ay sinisisid
Pero bakit ginamit
Puro luha at pasakit
Makalipas ang mahabang panahon
Ang aking pagmamahal ay napalitan ng galit
Nang makita kita na may kasamang iba
May dala-dala pa naman akong regalo
Matagal kong pinag-ipunan
Kinuha sa alkansya
Naglalakad habang lumuluha
Tinititigan ang lupa
Sinungaling ang mga baraha na tinanong
Hindi naman natupad ang kanilang mga hula
Wala nang dahilan para mabuhay
Naging abo, wala nang kulay
Akala ko nung una, tayo nang dalawa
Ilang taon din naman akong naghintay
Paalam na, aking mahal
Ako ay 'di na magtatagal
At tanging ang 'yong pagbalik
Ang s'yang aking ipagdarasal (ipagdarasal, ipagdarasal)
[Repeat CHORUS thrice till fade]
---