DamnLyrics - The center provides all the lyrics

Bulalakaw - Danilo Santos



     
Page format: Left Center Right
Direct link:
BB code:
Embed:

Bulalakaw Lyrics


Sa buhay ko ikaw ay nagsabulalakaw,
matapos na mahalin ka'y dagling lumisan.
Ang masakit, di alam ang kadahilanan,
kung sa iyo'y may nagawa na kasalanan.
Kaya ngayon sa gitna ng kapighatian,
nagtatanong kung ikaw ay nahan o hirang at ibig kong
malaman sa'yong kalooban, kung ako ay iyo pang minamahal.
Subalit giliw kay sawing kapalaran,
nang ikaw ay makita'y nasa ibang kandungan at noon ko lalong
napatunayan na sa iyo ay wala nang
maghihintay, ay wala nang mahihintay.
Mabuti pa ay di mo minahal hirang,
kung dudulutan rin lamang ng kasawian.
Disin sana ang puso ko at kalooban, walang ligalig at kalungkutan.
O irog ko ikaw ay nagsabulalakaw,
sa karimlan ay saglit lamang na sumilang.
O ganyan din ikaw dito sa abang
buhay, naglaho ng tulad nitong... Bulalakaw

Enjoy the lyrics !!!