Oh Dios Maawa Ka Samin - Eric franco jr



     
Page format: Left Center Right
Direct link:
BB code:
Embed:

Oh Dios Maawa Ka Samin Lyrics


Kayraming tao ang napapahamak
Sa epidemya pati na ang tabak
Hindi malaman kung san dapat magpunta?
Ni di malaman kung kailan pa ba?
Matatapos ang delubyong ito?
At kung kailan kaya matatapos ang unos?
Kung ikaw may nagalit patawarin mo na po kami
At huwag mong hayaan na magapi kami.
Chorus
Aming panginoon ang hiling ng bayan mo,
Na kami iligtas sa delubyong ito
Upang muli naming makapiling ang aming pamilya
At mapaglingkuran kapa po namin Ama.
Lahat po ng tuhod sayo po lang namin inilaan
Upang mag-alay ng papuri at panambitan
Ang puso ng bawat isa po sa amin

Ay humihiling oh dios maawa ka samin.
Kahit sang sulok ng mundo
At kahit ano pa man ang iyong estado
Ay maaari kang dapuan nito
At kahit gaano pa ang pagiingat mo
Kaya lahat ng tuhod atin ngang ibaluktot
At atin na ngang simulan ang pagdulog
At magkaroon ng isang puso at adhika
Pagbabayanihan at pagkakaisa
(Repeat chorus)
Hindi po namin nais na ikaw ay magalit
Paumanhin na lamang po sa aming nagawa
Batid namin na itoy isang pagsubok
Pero ama hindi na po namin kaya.
(Repeat chorus)
Refrain
Ang puso ng bawat isa po sa amin
Ay humihiling oh dios maawa... Ka samin
Hu.. hu.. hu..
Lyrics Submitted by Eric Franco Jr

Enjoy the lyrics !!!

More lyrics by Eric franco jr